Smart Spender Test
By Alvin T. Tabañag, RFP
Author of “Kaya Mo, Pinoy! 12 Steps to Build Wealth on Any Income”
When it comes to building wealth and achieving financial security how much you spend (and save) is more important than how much you earn. Even if you earn P100,000 a month, you could still end up in financial trouble if you also spend P100,000 (or more) monthly.
Here’s a simple test to see if you are a smart spender or you are spending yourself to financial death. Simply answer each question with “Yes” or “No.”
1. Bumibili ako ng mga damit o gamit tuwing may sale para makatipid?
2. Pinapalitan ko ang aking TV at iba pang mga appliances tuwing kada 3 - 5 taon o bumibili ako ng bagong cell phone taun-taon?
3. Malakas akong manigarilyo o madalas uminom o mahilig kumain sa labas?
4. May nakalaan akong budget para sa lotto, sweepstakes, ending at ibang pang laro na may premyo?
5. Ang mga binibili kong damit at gamit ay may mga tatak o kilalang brand na mamahalin?
6. Nahihirapan akong bayaran ng buo ang aking credit card at iba pang utang sa loob ng isang buwan?
7. Nauubos o kinakapos ang pera ko tuwing Disyembre o kung kailang may selebrasyon?
8. Kapag nawalan ako ng trabaho bukas, mahihirapan akong tustusan ang pangangailangan ng aking pamilya sa susunod na anim na buwan?
9. Mas masaya ako kung mas marami akong pera na pwedeng gastusin?
10. Nahihirapan akong mag-ipon o wala akong perang pwedeng maipon buwan-buwan?
What your score reveals about your spending habits: (Give 1 point for every “Yes” answer)
0 to 2 points
Magaling ka sa pagtitipid. Kayang-kaya mong mag-ipon at magpundar ng yaman para sa mas magandang kinabukasan.
3 to 5 points
Naiintindihan mo ang halaga ng pagtitipid pero pwede mo pang galingan para makapag-ipon ng mas malaki.
6 to 8 points
Mag-ingat! Baka mabaon ka sa utang. Nahihirapan kang kontrolin ang iyong paggastos. Dapat matuto kang magtipid at mag-ipon bago mahuli ang lahat.
9 to 10 points
Kamag-anak ka yata ni Asyong Aksaya. Sobra ka kung gumastos. Kapag nagpatuloy ang ganitong paraan ng paghawak at paggastos ng pera, lulubog ka sa utang at malalagay sa sa alanganin ang kinabukasan ng iyong pamilya.
If you are financially sick now, nurse yourself back to financial health by spending your money wisely.
No comments:
Post a Comment